Napailing na lang ako

Nanunuod ako ng TV ng napahinto ako  Wowowee. Kinausap ni Willie Revillame yung contestant.
Willie: O bakit ka umiiyak?
Batang Lalaki: Masaya po kasi ako natupad na ang pangarap ko.
Willie: O ano ba ang pangarap mo.
Batang Lalaki: Matagal ko na po kasing pangarap makasali sa Wowowee.

Napailing na lang ako.

Nanunuod ako ng TV nakita ko si Carlo J. Caparas
Karapat dapat daw siyang gawaran ng National Artist award.
Inaapi daw siya ng mga elitista kasi galing daw sya sa mahirap na Pamilya.
Sa huling pagkakaalam ko sa Ayala Alabang nakatira si Carlo J. Caparas
May nagrally para sumuporta kay Carlo.
Pareparehas ang itsura ng placards nila.
Gusto tumakbo sa pagkasenador ni Carlo J. Caparas
Sinang ayunan ito ni Cristy Fermin at Jobert Sucaldito.

Napailing na lang ako.

Akala mo Petiks yun pala mali
Akala mo Conyo yun pala laking Tondo
Akala Trapo yun pala katropa mo
Akala mo walang matatakbuhan pag ikaw ay nahirapan ngunit mali na naman
Kasi marami ng natulungan kailangan lang subukan
Sa sipag at tyaga lahat ay madali
Magtitiwala pag nakilala mo sya

Napailing na lang ako

Yung isa naman Itabi mo daw
Sya ang papadyak
Ginamit pa yung sikat na broadcaster
Si broadcaster naman nagpagamit pa.

Napailing na lang ako

Nabasa ko sa dyaryo na si Willie Revillame daw kinukuhang running mate ni Manny Villar

Napailing na lang ako

1994 napakinggan ko yung kanta ng Yano and Title “Trapo”
Kapul na kapul ng kanta na yun ang sistema ng politika sa Pilipinas
Pinapakinggan ko palagi tong kanta na to.
Hinihintay ko na mawalan na ng saysay ang letra ng kanta na to.
15 years ko na pinapakinggan tong kanta na to pero masakit isipin parang lalong nagging swak yung mga letra.
Kung gusto mo marinig punta ka dito
(http://mdizon74.multiply.com/music/item/1076)

Napailing na lang ako

Last week nag baba ng 1.50 pesos ang gas
Kagabi nagtaas ng 2.00 pesos ang gas

Napailing na lang ako

Tatakbo daw ulit na presidente si Erap
Ang masakit mukhang may chance pa syang manalo
Number 2 daw siya sa survey

Napailing na lang ako

Kumain daw si Gloria sa New York
Mahigit 1 million pesos daw ang nagastos
Pinagtanggol sya ng tuta nya
Sabi alangan naman na pakainin mo sa McDonalds ang presidente
Saka bilyon bilyon naman daw ang naipasok nyang pera sa bansa

Napailing na lang ako

Nakngtokwang puting buhay to o. Sakit na ng leeg ko sa kakailing :(

Leave a Reply